HUMIHINA na ang nararanasang El Niño sa bansa ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Posibleng dahil dito ay magkakaroon ng La Niña ngayong taon ayon sa ahensiya.
Sa ngayon ay aasahan pa ayon kay PAGASA Administrator Nathaniel Servando na mararanasan ang epekto ng El Niño hanggang buwan ng Mayo.
Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit P1-B na ang pinsalang dulot nito sa sektor ng agrikultura.