LA Tenorio pinangunahan ang Gilas Youth sa SEABA Qualifiers sa Pampanga

LA Tenorio pinangunahan ang Gilas Youth sa SEABA Qualifiers sa Pampanga

HANDA na si LA Tenorio bilang head coach at pangunahan ang Gilas Pilipinas Youth na magsisilbing host sa 2025 FIBA U16 Asia Cup SEABA Qualifiers mula Mayo 25–30 sa San Fernando, Pampanga.

Magiging katuwang niya sina Richard del Rosario at Gabe Norwood bilang bahagi ng kaniyang coaching staff.

Buo ang tiwala ng Gilas Youth na makikinabang sila sa homecourt advantage upang makamit ang top 2 finish at makuha ang ticket papuntang FIBA U16 Asia Cup sa Mongolia ngayong Agosto.

Binubuo ang koponan ng mga piling manlalaro mula sa UAAP, NCAA, at mga national tryouts.

Tampok sa lineup si Gab delos Reyes, ang UAAP juniors MVP na nagdala ng kampeonato sa UE matapos ang halos apat na dekada.

Magsisimula ang kampanya ng Gilas laban sa Vietnam, kasunod ang mga laban kontra Thailand, Singapore, Indonesia, at Malaysia.

Ayon kay Tenorio, handang-handa ang kaniyang koponan na ipaglaban ang bandila sa harap ng mga kababayan, habang nananawagan siya ng suporta para sa mga batang atleta na aniya’y karapat-dapat mapanood nang live.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble