TINANGHAL si Bella Belen ng National University (NU) bilang ‘Most Valuable Player’ sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 87 Women’s Volleyball.
Sa kabuuan, nakakuha ng 96.226 statistical points si Belen dahilan para makuha ang parangal.
Maliban pa nito ay nakuha niya rin ang parangal na ‘1st Best Outside Spiker’ habang si Angel Canino ng De La Salle University ang ‘2nd Best Outside Spiker’.
Samantala, sa finals ng UAAP Season 87 Women’s Volleyball nitong Mayo 14, tinalo ng N.U Lady Bulldogs ang La Salle Lady Spikers sa iskor na 25-19, 25-18, 25-19.
Ito na ang ikatlong beses sa loob ng apat na season na naging champion ang NU.