Lakas at puwersa ng PH Army, mas palalakasin ngayong taon

Lakas at puwersa ng PH Army, mas palalakasin ngayong taon

OPISYAL nang nagtapos ang isang buwan na selebrasyon ng ika-127 Founding Anniversary ng Philippine Army kasabay rin ng pagtatapos nito ng Combined Arms Training Exercise (CATEX) Katihan.

Dinaluhan ito nina Defense Chief Sec. Gilberto Teodoro Jr., AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., iba pang mga opisyal at mga dating naging commanding officer ng Philippine Army.

Dito, ipinakita rin ng PA ang kanilang mga kagamitan at ang 4,000 personahe nito.

Isa sa mga highlight ng nasabing selebrasyon ay ang free fall na kung saan isa itong kakayahan ng mga sundalo na makarating sa isang lokasyon nang hindi na papansin ng mga kalaban.

Ayon kay LtGen. Roy Galido, Commander ng Philippine Army, ito ang kauna-unahang selebrasyon nila na hindi ginawa sa Maynila dahil nais nilang ipakita kung gaano na kalaki ang kanilang hukbo.

Kasunod nito, target ngayon ng Philippine Army na mahasa ang kakayahan ng kasundaluhan sa lahat ng aspeto sa pamamagitan ng Comprehensive Archipelagic Concept.

Kaya upang makamit ito, ngayong taon ay marami silang nakalatag na mga pagsasanay at mga programa.

Ayon naman kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. nais nilang maging multi-role ang Pambansang Katihan, paliwanag nito dapat alam ng Philippine Army kung papaano umaksiyon sa lahat ng domain at maging sa cyber domain.

“Well, ang ibig sabihin po nung multi-role is that the Philippine Army will be able to perform in any situation facing any threat and in any domain. Ibig sabihin po kasi ng domain natin is that we have the air, the sea, and the land domain but this time we also have cyber domain, lahat po ‘yun kailangan ay mahusay ang ating Philippine Army na makipaglaban dito sa lahat ng domain na ito,” ayon kay Gen. Romeo Brawner Jr., Chief of Staff, AFP.

Para naman kay Department of National Defense (DND) Sec. Teodoro, kasabay ng pagbabago na gagawin sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas ay ang maging pantay-pantay ang lahat ng puwersa pagdating sa pagtugon sa mga kinakaharap na banta sa Pilipinas.

“Noong araw, nakasalalay lahat sa Philippine Army, basically kasi sa internal security operations lahat ng ating forces na Navy at Air Force nagiging support for ground operations. Ngayon, equal na ‘yan. Sinasabi nga multi-mission, ibig sabihin multi-threat whether internal or external ‘yan ang gusto natin mangyari sa ating tatlong pwersa,” saad naman ni Sec. Gilberto Teodoro Jr., Department of National Defense.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble