Lakas ng suporta sa PDP-Laban at kay Pastor Quiboloy pinakita sa Parañaque City

Lakas ng suporta sa PDP-Laban at kay Pastor Quiboloy pinakita sa Parañaque City

DAAN-daang taga-suporta ng PDP-Laban at ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy ang nagtipon sa Parañaque City nitong Abril 5, 2025 para sa “Ayusin Natin ang Pilipinas” campaign rally.

Ang pagtitipon ay ginanap sa Garden City Covered Court sa Brgy. San Isidro ng lungsod.

Kahit alas-dose pa lang ng hapon, masiglang nagtipon ang mga taga-suporta na handang magbigay ng kanilang suporta sa layunin ni Pastor Apollo C. Quiboloy para sa isang mas maliwanag na bukas para sa bansa.

Kasama rin sa rally si Jocelyn Villaneva, isang kinatawan ng A Teacher Party-list, na nagsalita tungkol sa adbokasiya ng kanilang partido at kung bakit nila sinusuportahan si Pastor Quiboloy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble