NASAWI ang isang trabahador sa peryahan matapos matabunan ng gumuhong lupa habang natutulog sa Purok Bagong Buhay, Barangay Bunao, Tupi, South Cotabato.
Nangyari ang insidente alas-dos ng hapon noong Mayo 13, kung saan tinukoy ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office o MDRRMO na ang sunod-sunod na pag-ulan ang posibleng dahilan ng pagguho ng lupa.
Ito ang kauna-unahang landslide na naitala sa lugar.
Bunsod nito, pansamantalang pinalikas ang ilang residente at mga trabahador ng perya para matiyak ang kanilang kaligtasan.