Lalaking sangkot sa 3 road rage videos, binigyan ng show cause order ng LTO

Lalaking sangkot sa 3 road rage videos, binigyan ng show cause order ng LTO

NAGLABAS ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) para sa lalaking sangkot sa nag-viral na tatlong magkakahiwalay na road rage videos.

Ayon sa LTO, kabilang sa paglabag ng naturang driver ay ‘obstruction of traffic at improper person to operate a motor vehicle’.

At ang parusa nito ay kanselasyon ng kaniyang driver’s license.

Una nang ipinatawag ng LTO ang may-ari ng sasakyang sangkot sa video para makipag-ugnayan sa kanilang imbestigasyon pero tumanggi ito.

Dahil dito, napilitan ang ahensiya na magdesisyon sa kaso batay sa ebidensiyang kanilang hawak.

Nakatakda namang humarap sa LTO ang driver bukas, araw ng Miyerkules, Enero 17.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble