Lamanan, Calinan, Davao City: Taus-pusong suporta, mensahe ng pag-asa para sa PDP-Laban at Pastor Quiboloy

Lamanan, Calinan, Davao City: Taus-pusong suporta, mensahe ng pag-asa para sa PDP-Laban at Pastor Quiboloy

Brgy. Lamanan, Calinan, Davao City — Mainit ang pagtanggap ng mga residente ng Brgy. Lamanan, Calinan sa isinagawang ‘Ayusin Natin ang Pilipinas’ Nationwide Campaign Rally ng PDP-Laban, sa pangunguna ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy. Dumagsa ang mga tagasuporta mula sa iba’t ibang barangay upang makiisa, makinig, at magpahayag ng kanilang tiwala sa adbokasiya ng pagkakaisa at pambansang pag-unlad.

Sa kanyang talumpati, inilahad ni Pastor Quiboloy ang mga pangunahing plataporma ng kanyang kampanya—kasama na rito ang Zero Corruption, Anti-Criminality and Drug Programs, Edukasyon, at Pagsulong ng Kapakanan ng mga Katutubo. Ayon sa kanya, ito ang magiging pundasyon ng tunay na pagbabago.

Ang aktibidad ay hindi lamang isang campaign rally, kundi isang symbolic gathering ng tiwala at panawagan para sa tunay na reporma. Maraming mamamayan ang nagpahayag ng suporta, dala ang kanilang paniniwala sa integridad at direksyong iniaalok ng PDP-Laban slate.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble