NASAWI ang 7 na katao matapos ang naganap na landslide sa Ecuador.
Ito ay bunsod sa ilang araw na walang humpay na pag-ulan.
Ayon sa Ecuador’s Risk Management Secretariat aabot sa 163 kabahayan ang nasira din sa lungsod ng Alausi.
Habang 23 ang nasugatan at 46 ang nawawala at mahigit 32 katao na ang kasalukuyang nailigtas.
Sa ngayon ay nagdeklara na rin si President Guillermo Lasso ng state of emergency sa 14 na probinsiya na naapektuhan ng masamang panahon.
Patuloy naman ang nagiging search and rescue operations ng mga awtoridad sa bansa.