PINANGUNAHAN ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar ang pamamahagi ng ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng nangyaring sunog sa Velasquez Compound, Brgy. Ilaya, noong Hunyo 16, 2024.
Nasa 135 indibidwal ang nahatiran ng tulong na kinabibilangan ng food packs, dignity kits, sleeping kits, at hygiene kits.
Naging makabuluhan naman para sa mga residente ang mabilis na suporta ng kanilang lungsod sa mga kagaya nilang nangangailangan.