DINALA ng Las Piñas City ang 50 children with disabilities sa Enchanted Kingdom sa Santa Rosa, Laguna kamakailan.
Noong Sabado, Hulyo 23 nang sila’y magtungo sa nabanggit na theme park at kasama ng mga kabataan ang kani-kanilang mga magulang o kaya’y guardians para magsaya.
Ayon sa lokal na pamahalaan, regalo nila ito sa mga kabataan bilang parte ng ika-44 na anibersaryo ng National Disability Prevention and Rehabilitation.
Sa ilalim din ito ng programa ng Las Piñas Persons with Disability Federation Inc. sa pakikipag-ugnayan sa City Welfare and Development Officer-Persons with Disabilities.