LCHO pinalalawak ang kampanya sa Smoke-Free Ordinance sa mga paaralan sa Legazpi

LCHO pinalalawak ang kampanya sa Smoke-Free Ordinance sa mga paaralan sa Legazpi

NAGPAPATULOY ang information campaign ng Legazpi City Health Office (LCHO) sa mga pribado at publikong paaralan sa lungsod upang mas mapalawak ang kaalaman ng mga kabataan ukol sa bagong smoke-free ordinance.

Tampok din dito ang masamang epekto ng paninigarilyo, vaping at iba pang related products sa kanilang kalusugan.

Maliban pa sa sigarilyo, ipinagbabawal na rin ang paggamit, pagbenta at pag-promote ng vapes at iba pang cigarette alternatives sa mga public places tulad ng mga paaralan.

Ayon kay LCHO Smoke Free Program focal person Portia Rogando, layunin ng school campaigns na maipaalaam sa mga kabataan ang kahalagaan ng bagong oridinansa upang mai-iwas sila sa masamang epekto ng paninigarilyo, vaping at iba pang related products.

Binigyang diin ni Atty. Raphaela Albor, assistant legal officer ng LGU Legazpi, na ang city ordinance ay alinsunod sa national regulations na nagpapaigting ng safety standards para sa vapor products at heated tobacco products.

Sa ilalim ng bagong ordinansa, kasama na rin sa mapaparusahan ang mga may-ari o manager ng mga establishments, driver o pasahero ng pampublikong sasakyan at magulang o guardian ng mga minor na lalabag sa mga provisions nito.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the PIA Albay Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble