OPISYAL nang inanunsiyo ng Manila International Film Festival (MIFF) na kabilang ang tinaguriang Miss Saigon, Lea Salonga sa 35 honorees ng Hollywood Walk of Fame Star para sa taong 2025 to 2026.
MIFF mismo ang nag-nominate kay Lea at maswerte namang napili ang broadway singer sa ilalim ng Live Theatre/Performance category.
Agad naman na ibinalita ni Salonga ang nakaka-proud na milestone na ito sa kaniyang social media account, kasabay ang pasasalamat sa pag-nominate sa kaniya ng MIFF.
Hunyo 2, 1991 nang mapanalunan ni Salonga ang Tony Award for Best Actress mula sa kaniyang ‘di mapapantayan na performance sa Miss Saigon bilang Kim. Siya rin ang kauna-unahang Filipina at Asian na nanalo ng nasabing award.
Hindi lang ‘yan dahil minsan na rin nanalo ng Olivier Award-Best Actress in a Musical si Salonga noong 1990.
Sa kaniyang bagong tagumpay, si Salonga na ang kauna-unahang Filipina na makatatanggap ng Walk of Fame Star sa Hollywood.
Congratulations sa Miss Saigon ng Pilipinas!