Leadership Strategist: Marcos-Romualdez Bloc, may backup mula sa elitista at hawak ang buong estado

Leadership Strategist: Marcos-Romualdez Bloc, may backup mula sa elitista at hawak ang buong estado

MANILA, Philippines, Abril 24, 2025—Sa gitna ng umiinit na pulitika sa bansa, isang kilalang leadership strategist at civic thinker na si Rob Rances ang naglabas ng matapang na pahayag tungkol sa kasalukuyang dynamics ng kapangyarihan sa ilalim ng Marcos-Romualdez bloc.

Ayon kay Rances, may dalawang pangunahing haligi kung bakit patuloy ang kanilang paghahari:

Backup mula sa elite o makapangyarihang sektor

Mahigpit na kontrol sa buong estruktura ng estado

“May backup silang elite at hawak nila ang buong state. Kasama diyan ang LGUs na ngayon ay naka-kabit sa Bagong Pilipinas funding, pati ang mga bureaucrats na nire-reshuffle para masigurong may loyalty, at law enforcement na ina-align para protektahan ang bloc,” ani Rances.

Binanggit din ni Rances na may sistematikong paggamit ng kapangyarihan upang palakasin ang kanilang posisyon—mula sa lokal na pamahalaan, burukrasya, hanggang sa mga law enforcement agencies.

Ang “Bagong Pilipinas” funding ay isa lamang halimbawa ng umano’y paraan ng pagdugtong ng bloc sa mga LGU upang mapanatili ang kontrol sa grassroots level.

“The scaffolding and the pillars for the elite and also the institutional capture, meron sila. Pero wala pa sa kanila ang masa—na siyang pinakaimportanteng bahagi,” dagdag niya.

Ayon pa kay Rances, ang karaniwang mamamayan ang natitirang puwersa na hindi pa hawak ng Marcos-Romualdez bloc. Ngunit binigyang-diin niya na may aktibong pagsisikap para pigilan ang boses ng taumbayan—gamit ang kontrol sa impormasyon, media, at pampublikong diskurso.

“They’re trying to suppress that. And what gives voice to these people are actually those who are voicing out,” saad ni Rances.

Sa kanyang pagtatapos, iginiit ng strategist ang kahalagahan ng darating na halalan sa Mayo 12, kung saan aniya’y dapat pag-isipan nang mabuti ng publiko kung sino ang kanilang iboboto sa Senado at Kongreso.

“Vote straight, full block for Duterte, and understand kung sino sa ‘plus two’ candidates ang kayang maka-disrupt sa elite capture at state control,” ani Rances.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble