HINDI pa itataas ng Pilipinas ang alert status ng Lebanon sa kabila ng patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hezbollah ng Lebanon.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hindi pa kinakailangan na magdeklara ng Alert Level 4 kung saan magiging mandatoryo na ang repatriation o pagpapauwi ng mga Pilipino sa Pilipinas.
Kung mandatory din ang repatriation ay maaaring hindi na makabalik sa kanilang trabaho ang mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Sa ngayon ay nasa Alert Level 3 pa ang Lebanon.
Ibig sabihin, boluntaryo pa ang repatriation na gagawin ng pamahalaan sa mga interesadong Pilipino na makauwi sa Pilipinas at makaiwas sa kaguluhan.
Mahigit 500 na mga Pilipino na mula sa Lebanon ang nakabalik habang 1,205 ang nagpahayag na makaalis na doon.