PATULOY na bumababa ang lebel ng tubig sa Angat Dam.
Batay sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), bumaba pa sa 183 meters ang lebel ng tubig ng Dam.
Tatlong metro na lang itong mas mataas mula sa 180 meters minimum operating level.
Sa kabila naman ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa naturang dam ay nananatiling sapat ang suplay ng tubig sa Metro Manila ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).
Nananawagan din ang ahensiya sa publiko na patuloy na magtipid sa paggamit ng tubig lalo’t umiiral pa rin ang El Niño.
Bukod naman sa Angat, bahagya ring nabawasan ang lebel ng tubig sa La Mesa, Ambuklao, Binga, at Magat Dam.