PATULOY ang pagbaba ng lebel ng tubig sa ilang dam sa Luzon dahil pa rin sa nararanasang matinding init ng panahon.
Sa monitoring ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)– Department of Science and Technology (DOST), bumaba pa sa 198.80 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam hanggang kaninang alas-sais ng umaga.
Nabawasan naman ng 0.01 meters ang tubig sa La Mesa Dam.
Maliban dito, nabawasan din ang water lebel sa Ambuklao, Binga, at Pantabangan Dam.
Sa kabilang banda, bahagyang nadagdagan naman ang lebel ng tubig sa Ipo, San Roque, Magat, at Caliraya Dam.