Lebel ng tubig sa Angat Dam, bumagsak pa sa higit 187 meters

Lebel ng tubig sa Angat Dam, bumagsak pa sa higit 187 meters

KASUNOD ng matinding init na nararanasan, bahagya pang bumaba ang level ng tubig sa Angat Dam na pangunahing nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila at mga karatig probinsiya.

Ngayong Miyerkules ng umaga, bumaba pa sa 187.65 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam, nasa 0.38 meters ang nawalang tubig dito sa loob ng 24 oras.

Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig, sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na mananatili sa 50 cubic meters per second ang alokasyon ng Angat sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) hanggang sa Mayo 15.

Dahil dito, tiniyak ng MWSS na walang mangyayaring water interruption sa mga sinusuplayang customer ng Manila Water at Maynilad maliban na lamang kung may maintenance or emergency repair works.

Bukod pa sa Angat, bahagya ring bumaba ang lebel ng tubig sa La Mesa at San Roque Dam.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble