POSIBLENG sasailalim si LeBron James sa isang foot surgery ngayong summer.
Maaaring ito ang magiging dahilan batay sa mga ulat na hindi na muna makapaglalaro si James ng hanggang 2 buwan.
Nauna nang sinabi sa isang injury report nitong postseason na may pamamaga sa kanang paa si James subalit naglalaro pa rin ito para sa Los Angeles Lakers.
Samantala, kamakailan lang ay napabalita na rin na plano ni James na magretiro na sa basketball.