LeBron, pinangunahan ang Lakers vs Grizzlies sa Game 4 ng Western Conference Playoff Match-Up

LeBron, pinangunahan ang Lakers vs Grizzlies sa Game 4 ng Western Conference Playoff Match-Up

PINANGUNAHAN ni NBA Star LeBron James ang overtime rally para bigyan ang Los Angeles Lakers ng commanding series laban sa Memphis Grizzlies sa pamamagitan ng 117-111 panalo sa Game 4 ng kanilang Western Conference Playoff Match-Up.

Nakapag-ambag si James ng 22 points, 20 rebounds at 7 assists at nasungkit ang game-tying driving layup sa 0.8 segundo na nalalabi sa fourth quarter para puwersahin ang overtime.

Mahusay na na-marshall ni James ang Lakers sa overtime, umiskor ng 4 na puntos para makita ng Lakers ang conference semifinals.

Naging maayos ang posisyon ng Memphis para ipantay ang serye matapos magbukas ng 7 puntos na kalamangan na may mahigit 5 minuto na lang ang natitira sa fourth quarter.

Isang panalo na lang ang kailangan ng Lakers upang makapasok sa susunod na round.

Babalik naman ang laro sa homecourt ng Grizzlies para sa Game 5.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter