NAKALABAS na ng Manila Doctor’s Hospital si Senator Leila de Lima.
Kasunod ito ng kanyang tatlong araw na medical furlough na ibinigay sa kanya matapos makitaan ng posibleng mild stroke.
Alas 9 kahapon ng umaga April 27 nang lumabas ng ospital si De Lima at ibinalik sa Camp Crame sa Quezon City kung saan siya nakadetine.

Si De Lima ay sumailalim sa medical examination na inirekomenda ng kanyang doktor dahil sa iniinda nitong sakit sa ulo at panghihina.
Dalawang korte sa Muntinlupa na humahawak sa kanyang drug-related cases ang pinayagan ang emergency medical furlough ng senadora.
Si Leila Norma Eulalia Josefa Magistrado de Lima ay isang abogado, aktibista at kasalukuyang naglilingkod bilang senador ng Pilipinas ngunit siya’y kasalukuyang nakapiit sa bilangguan dahil sa kasong illegal drug trading.