NAGSILBING guests of honor ang Leni-Kiko tandem sa isang event sa Muntinlupa ngayong araw.
Dinaluhan nina presidential candidate Vice President Leni Robredo at vice presidential candidate Senator Kiko Pangilinan ang pagdiriwang ng ika-27 Cityhood Anniversary ng Muntinlupa ngayong araw.
Kasabay din ito ng State of the City Address ni Mayor Jaime Fresnedi na ginanap sa Muntinlupa Sports Center sa Brgy. Tunasan.
Pinasalamatan naman ni Fresnedi sina Robredo at Pangilinan sa suporta at pagdalo ng mga ito sa founding anniversary ng lungsod.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang alkalde sa bise presidente sa mga programa na nakatulong sa mga Muntinlupeño gaya ng Community Mart, donasyong testing kits, at iba pa.