LGUs, hinimok ng isang grupo na magkaroon ng upgraded disaster preparedness master plan

LGUs, hinimok ng isang grupo na magkaroon ng upgraded disaster preparedness master plan

IPINANAWAGAN ng isang grupo sa mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng upgrading sa kanilang disaster preparedness master plans.

Binigyang-diin ni Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) President Dakila “Dax” Cua, dapat naayon sa local vulnerabilities ang gagawing mga master plan.

Halimbawa na rito ang pagtatayo ng mga daanan, tulay, at iba pang public facilities na tiyak na makakatagal sa anumang kalamidad.

Isa rin sa kanilang mungkahi ang pagkakaroon ng sariling evacuation centers ng mga LGU.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble