Lhuillier, itinalaga bilang PH Envoy sa Spain

Lhuillier, itinalaga bilang PH Envoy sa Spain

ITINALAGA bilang envoy ng Pilipinas si Philippe Jones Lhuillier sa Espanya.

Kinumpirma ito ni Commission on Appointments (CA) Assistant Minority Leader, Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel sa isang pahayag nitong Martes Hulyo 18, 2023.

Aniya, ito ang pangalawang pagkakataon na maluklok si Lhullier bilang envoy ng bansa sa Espanya at mayroon pang kabuuang 30 nominees na inaantabayanang kukumpirmahin sa hearings ng CA.

Unang naluklok si Lhuillier bilang diplomat ng Pilipinas sa Espanya at Andorra anim na taong nakalipas, naglingkod din siya bilang Ambassador ng Pilipinas sa Italya mula 1999 hanggang 2010, at sa Portugal mula 2012 hanggang 2016.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, binigyan ang 25 miyembro ng CA na suriin ang kakayahan, suitability, integridad ng mga pangunahing presidential appointees kung sila ay nararapat sa posisyon kabilang ang mga foreign service officer.

Follow SMNI NEWS on Twitter