Libreng annual medical check-up para sa mga Pilipino, isinusulong sa Kamara

Libreng annual medical check-up para sa mga Pilipino, isinusulong sa Kamara

IPINAPANUKALA ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan ang pagkakaroon ng libreng annual medical check-up para sa mga Pilipino.

Inspirasyon niya rito ang datos kung saan anim sa sampung mga Pilipino ang namamatay dahil walang kakayahan para magpakonsulta o lumapit sa isang doktor.

Aniya, advantage na rin ito para sa gobyerno dahil mababawasan na kalaunan ang ilalaang pondo nito para sa mga may sakit na diabetes at heart disease.

Ito’y dahil mas maaga malalaman ng isang indibidwal kung may sakit ito at maaga rin itong maagapan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble