Libreng exposure habol ng congressmen sa kanilang hearings—Sonza

Libreng exposure habol ng congressmen sa kanilang hearings—Sonza

GINAGAWA lang ng mga kongresista ang iba’t ibang hearing upang makalibre sa exposure.

Ayon ito sa political commentator na si Jay Sonza sa panayam ng SMNI News.

Napapansin niya na ang mga umano’y nag-iimbestiga sa Kamara ay mga graduating at tumatakbo na muli para sa pagiging kongresista.

Isa sa mga kontrobersiyal na ginagawang hearing ng Kamara ay may kaugnayan sa confidential funds at impeachment ni Vice President Sara Duterte.

Halimbawa na rin dito ang pagpapatawag sa mahigit-kumulang 40 na influencers at vloggers hinggil sa umano’y isyu ng pagpapalaganap ng ‘fake news’.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble