MAY handog na libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero nito ang pamunuan ng MRT-3 sa March 8, bilang pagdiriwang ng Women’s Day.
Libreng makakasakay ang mga babaeng pasahero mula 7:00 a.m. hanggang 9:00 a.m., at mula 5:00 p.m. hanggang 7:00 p.m. sa nasabing araw.
Ayon kay General Manager Oscar B. Bongon, ang ‘Libreng Sakay’ ay bilang pagkilala at pasasalamat sa mga kababaihan at sa kanilang mahalagang papel sa lipunan.
“Ang ‘Libreng Sakay’ po ay simpleng paraan ng MRT-3 upang maipakita ang suporta sa bawat Juana at mabigyang-pugay ang kanilang mga sakripisyo para sa kanilang mga pamilya. Nawa ay magdulot ito ng kahit kaunting kaginhawaan sa kanila sa kanilang espesyal na araw,” ayon kay Oscar B. Bongon, General Manager.
Mamamahagi rin ang pamunuan ng MRT-3 ng special Women’s Month tokens sa mga kababaihang pasahero ngayong Biyernes.
Editor’s Note: This article has been sourced from the DOTr MRT-3 Facebook Page.