INILAHAD ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chief Asec. Teofilo Guadiz III ang posibilidad na hindi na matutuloy ang naunang plano na ibalik ang libreng sakay sa EDSA Bus Carousel sa buwan ng Pebrero.
Aminado si Guadiz na hindi kakayanin ng higit P1.2 bilyong pondo ang tuluy-tuloy na libreng sakay lalo’t pina-plano rin na gawing libre ang pamasahe sa jeep at UV express.
At posibleng aabutin lamang ng 3 buwan ang libreng sakay mula sa naturang pondo.
Kung kaya’t, pinag-aaralan na ng ahensya ang posibilidad na magpatupad na lamang ng diskwento sa pamasahe.
Pero, pagtitiyak ni Guadiz magkakaroon pa rin ng hiwalay na subsidiya para sa mga drayber.
Samantala, kasalukuyang nagpupulong ang LTFRB kasama ang Department of Transportation araw ng Biyernes para isapinal ang desisyon ukol dito.