NAIS ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawakin ang libreng Wi-Fi coverage sa buong linya ng MRT-3.
Nakikipagtulungan na ang ahensiya sa mga pangunahing telcos upang mapalakas ang signal coverage sa mga critical transit zones.
Ayon sa DICT, maaaring maramdaman ng publiko ang mga pagbabago sa susunod na buwan.
Pinag-aaralan na rin ng ahensiya ang pagpapalawak ng programa sa LRT-1 at LRT-2.
Bukod rito, target ng DICT at Department of Transportation (DOTr) ang pagpapatupad ng contactless fare payments gamit ang cards, e-wallets, at smartphones sa buong train system.
u