INILUNSAD ng mga dating kadre at lider ng komunistang grupo ang librong Unmasking: The Myth of Communism in the Philippines sa Davao City.
Maging daan ang nasabing libro upang mas lalong mamulat ang mamamayan sa mga ginagawa ng mga makakaliwa.
Sinulat ang libro mismo ng mga dating kadre na ngayo’y nagbalik loob na sa pamahalaan na layong maipaalam kung ano ang buhay nila sa kilusan at kung ano ang mga ideolohiyang nais nilang itanim sa isipan ng mga mamamayan—lalong-lalo na sa mga kabataan, mag-aaral at mga professional.
Dahil dito, mainam umano na gamitin at ipamahagi sa mga paaralan at mga institusyon sa Pilipinas ang libro—upang mas malaman nila ang ideolohiya, ang mga mensaheng ipinapaabot ng rebeldeng grupo, at ang mga kasamaang idinulot nito bansa.
“Now this book, tells a different side of the story, stories na sinulat ng mga former CPP-NPA-NDF cadres, na during our time na wala pa ‘yung former we are not allowed to say about these things,” pahayag ni Joy James ‘Ka Amihan’ Saguino, dating cadre at may-akda ng libro.
“Now this book, will give a very comprehensive outlook of what it’s like to be inside the CPP-NPA,” ayon pa ni Saguino.
“And siguro the impact to this is that it will open the eyes of the students especially sa universities, this is the stories of the CPP-NPA-NDF,” dagdag nito.
Kaya naman layon nilang maipamahagi ito sa mas maraming institusyon, sa iba’t ibang lugar, at iba’t ibang sektor ng lipunan at lalong-lalo na sa mga paaralan sa bansa.
Samantala, para naman kay Professor Hadji Balajadia ng Ateneo de Davao University, mahalaga umanong mabigyan ng kalayaan ang mga paaralan na payagan ang mga mag-aaral nitong magkaroon ng access sa nasabing lathalain—dahil makapagbibigay daan ito sa mga diskusyon, debate, at iba’t ibang ideya at pananaw, at mahahalagang aral sa mga naging karanasan ng mga dating miyembro ng CPP-NPA-NDF.
“I think state colleges and universities or just like any colleges or higher education institution, should be open to all forms of knowledge no matter how scandalous that is because the academe could not just limit itself with a uni-perspective, or a one version of knowledge but it must be a place of knowledge production and knowledge re-production even,” ayon kay Balajadia.
Samantala, paglilinaw naman ng mga may-akda na hindi nila hangaring siraan ang kilusan na dati nilang pinag-alayan ng kanilang buhay—ngunit nais lamang nilang maipaabot kung ano ang katotohanan.
Kabilang sa mga may akda ng librong Unmasking: The Myth of Communism in the Philippines ay sina Jake Llanes o Ka Elmo, Joy James Saguino o Ka Amihan, Noel Legaspi o Ka Efren at Jeffery Celiz o si Ka Eric.