Libu-libong flight cancellations sa Amerika, inaasahan dahil sa winter storm

Libu-libong flight cancellations sa Amerika, inaasahan dahil sa winter storm

MAHIGIT sa tatlong libong flight ang kinansela sa buong Amerika noong Kapaskuhan at isang libo pa ang inaasahang makansela sa papalapit na New Year dahil sa hagupit ng winter storm sa Estados Unidos.

Sa panahon ng matinding winter storm, kinansela ng mga airlines sa US ang libu-libong mga flights.

At sa paparating na Bagong Taon, nagkukumahog din sila na i-rebook ang mga holiday travelers kasabay ang pagkansela ng marami sa mga ito dahil sa patuloy na hagupit ng taglamig.

Ayon sa flight tracker na FlightAware, ang mga airline ng U.S. ay nagkansela ng higit sa 12 libong mga flights sa Christmas week na halos 14% ng kanilang iskedyul.

“My flight was supposed to be on 23rd, and then it cancelled to the 25th and then it got cancelled again. And I do not know if I am going to leave today, I am just trying to see if they’ll reschedule me,” ayon kay Marsha Diwali, traveller.

Ang masamang lagay ng panahon ay nagresulta sa pagkagambala sa paglipad ng mga pasahero at nakasira sa holiday schedules ng libu-libong mga tao.

“I’m terrified, honestly I’m worried, I really hope it goes smoothly, so I’m just praying for the best. This has been one of the most stressful years, so booking a flight during the holydays is a lot,” ayon naman kay Tonya, passenger.

Maliban sa mga pagkaantala, maraming mga pasahero din ang nagreklamo dahil sa mga nawawalang bagahe.

Sa nagdaang Pasko, mahigit 3 libong mga flight sa U.S. ang nakansela noong bisperas at 1,500 naman sa mismong araw ng Pasko, dagdag pa ang mahigit 10 libong flight ang naantala sa Christmas weekends.

“Yes, it was [flight was cancelled]. And had to reschedule the whole entire trip. Instead of flying to Amsterdam and then to my last destination, I have to go to London, from London to Amsterdam, so it extend my flying time and connection time,” ayon kay Bernard, passenger.

Ang malagim na panahon ng taglamig sa Estados Unidos ay tinatayang mas naging katamtaman sa mga natitirang araw ng taon.

Ayon sa ulat ng unang bahagi ng linggong ito, mayroong higit sa 1,300 preemptive flight cancellations na ang maaring mangyari sa loob ng Estados Unidos, papasok man o palabas ng bansa.

Ang mga pagkansela ng flight sa U.S. ay mas kumunti pagkatapos ng araw ng Pasko ngunit nagbabala pa rin ang mga opisyal na maaari pa rin itong magpatuloy sa mga susunod na araw.

Follow SMNI NEWS in Twitter