Libu-libong insidente ng paglabag sa karapatang pantao ng communist terrorist, isinumite sa CHR

Libu-libong insidente ng paglabag sa karapatang pantao ng communist terrorist, isinumite sa CHR

ISINUMITE ni AFP Center for Law of Armed Conflict director Brigadier General Joel Alejandro Nacnac sa Commission on Human Rights (CHR) ang listahan ng libu-libong insidente ng paglabag sa karapatang pantao ng Communist Terrorist Group (CTG).

Tinanggap ni CHR chairman Richard Palpal-Latoc ang nasabing listahan.

Kabilang dito ang 2,443 insidente mula 1968 hanggang 2009 at 1,730 insidente mula 2010 hanggang 2022 na nauna nang naisumite sa CHR.

Gayundin, ang listahan ng 156 na posibleng paglabag ng communist terrorists sa unang semestre ng 2022 para sa kabuuang 1,886 insidente.

Sinabi ni General Nacnac na ang mga naisumiteng listahan ang magiging daan sa pagsasampa ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao at International Humanitarian Law ng communist terrorists.

Tiniyak ng AFP na tutuparin nila ang kanilang tungkulin na protektahan ang mamamayan laban sa lahat ng uri ng pagbabanta at pananatilihin nila ang kapayapaan at seguridad sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter