INAASAHAN na libu-libong tagasuporta ng UniTeam nina Bongbong Marcos at Sara Duterte ang dadating ngayong araw sa Marikina Riverbanks Amphitheater.
Hindi pa nagsisimula ang UniTeam Rally ni presidential candidate Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte, pero dagsa na ang mga taga suporta nito sa Marikina Riverbanks Ampitheater.
Maaga pa lang, nagtipun-tipon na ang mga supporters sa harap ng entablado.
Ayon sa mga taga-suporta, pupunuin nila ng kulay pula at berde ang naturang lugar ng proclamation rally upang ipakita ang kanilang suporta sa BBM-Sara.
Maliban sa mga taga-Marikina, may iilang supporters na nanggaling din sa ibang lungsod ng Metro Manila at sa karatig lalawigan upang makilahok sa UniTeam Rally ng BBM-Sara tandem.