SMNI, susundan ang BBM-Sara tandem sa araw ng COMELEC Presidential Debate

SMNI, susundan ang BBM-Sara tandem sa araw ng COMELEC Presidential Debate

NASA Marikina ngayong Sabado Marso 19 si presidential frontrunner Bongbong Marcos (BBM) kasama ang kaniyang running mate na si Davao Mayor Sara Duterte para makipagkita sa kanyang mga supporter sa halip na dumalo sa COMELEC Presidential Debate sa kapareho na araw.

Ayon sa kampo, mas mahalaga sa kanila na makasama ang supporters.

‘This our preferred mode of campaigning directly communicating with the people,’ pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni Bongbong Marcos.

Diin pa ni Rodriguez, dapat pagtuunan ng pansin ng COMELEC ang pagsagot sa mga isyu laban sa kanila sa halip na magpa-debate.

Sa kanilang monitoring, nasa 5.3 million ng mga balotang nailimbag para sa botohan ay depektibo na dapat masagot ng COMELEC.

Bukod pa ito sa isyu ng ballot printing na walang witness, isyu sa katatagan ng mga vote counting machine at ang testing ng SD cards na gagamitin.

‘Kaya maraming gawain yung komisyon na dapat ay higit mahalaga kesa sa pag-iisponsor ng debate na dapat pagtuunan nila ng pansin,’ ayon pa kay Rodriguez.

Bilang bahagi naman ng patuloy na public service, susundan ng SMNI ang campaign trail ni BBM ngayong weekend sa Marikina.

Mapapanood ng taumbayan sa lahat ng platform ng SMNI ang bagong segment na ‘On the Road with the Frontrunner.’

Kaya sa mga maghahanap kung asan si BBM ngayong weekend, tutok lang kayo sa SMNI.

‘Malaking bagay itong ‘On the Road with the Frontrunner’ na gaganapin yan ngayong Sabado,’ ani Rodriguez.

‘Kami naman wala silang naririnig sa amin kung hindi sila dumadalo sa kung  anumang imbitasyon ng isang media outfit or entity. Wala silang narinig sa amin noong sila’y hindi dumalo sa mga ilang debate kaya sana matutuhan din nilang kilalanin at respetuhin ang aming napiling pamamaraan ng kampanya and our direct way in communicating the Filipino people.’

Bongbong Marcos-Sara Duterte, number 1 sa pinakahuling Publicus Asia survey

Samantala, number 1 pa rin ang tambalang Bongbong Marcos-Sara Duterte sa pinakahuling pahayag ng Nat’l Tracker Survey ng Publicus Asia.

55.1% na voter preference ang nakuha ni BBM kumpara sa mga kapwa niya presidentiable.

Number 2 sa presidential survey si VP Leni Robredo sa 21% habang mas mababa sa 10% voter preference naman ang nakuha ng natitirang mga kandidato.

Sa VP race, 56.5% ang suporta kay Mayor Sara, malayo sa 12.8% ni Senate President Tito Sotto III at sa mga natitirang VP aspirant.

Follow SMNI News on Twitter