NANANAWAGAN ng pagkakaisa sa kaniyang mga kasamahan sa pulisya si Philippine National Police (PNP) chief PGen. Benjamin Acorda, Jr.
Sa kaniyang talumpati sa pre-launch ng Bagong Pilipinas Kick-off Rally sa Kampo Krame, binigyang-diin nito ang pagkakaisa ng lahat ng kawani ng PNP at hinimok silang huwag hayaan na magkawatak-watak mula sa anumang tangka na sirain ang kanilang organisasyon.
Nauna nang lumutang ang diumano’y destabilisasyon laban sa kasalukuyang gobyerno sa pagitan ng PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) na agad namang pinasinungalingan ng militar at pulisya.
Sa nasabing seremonya, ipinagmalaki ng PNP ang mga nagawa ng kanilang hanay sa loob ng isang at kalahating taon sa ilalim ng Marcos administration.
Sa katunayan, malaking bagay anila ang nakuha nilang 80% trust at approval rating mula sa iba’t ibang survey dahil sa maayos na pagtugon nito sa iba’t ibang kriminalidad sa bansa.