Ligtas na ruta palabas ng Khartoum sa Sudan para sa mga Pinoy na lilikas, bineberipika pa

Ligtas na ruta palabas ng Khartoum sa Sudan para sa mga Pinoy na lilikas, bineberipika pa

HINIHINTAY na lang ng gobyerno ng Pilipinas ang impormasyon kung ligtas ba ang ruta na maaaring daanan ng mga Pilipino na lilikas palabas ng Khartoum sa bansang Sudan.

Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kasunod ng pagtiyak na pinaplano na ng pamahalaan ang gagawing paglilikas sa mga Pinoy na naipit sa kaguluhan sa Sudan.

Ayon sa Pangulo, tinatayang nasa 300 ang mga Pinoy sa Sudan na hindi pa makalalabas sa naturang bansa dahil sa kawalan ng operasyon ng mga airport bunsod na rin sa kaguluhan.

Posible namang dadalhin ang ililikas na mga Pilipino sa Cairo, Egypt kung saan mayroong embahada ng Pilipinas.

Samantala, inihayag naman ng Saudi Arabian Ministry of Foreign Affairs na may mga Pilipinong kasama sa 157 katao mula sa Sudan na inilikas ng Royal Saudi Naval Forces.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter