ISANG babaeng dentista ang na-hostage nitong araw ng Sabado, Abril 22 sa bayan ng Mangatarem Pangasinan.
Kinilala ni PMaj. Arturo Melchor, Jr. ang hostage-taker na si Gerardo Paquiz at ang biktima na si Dr. Kimberly.
Nagkunwaring pasyente ang suspek at nang nakapasok ito sa clinic ay agad na hinila ang biktima at tinutukan ng kutsilyo ang leeg nito.
Nagawa namang makapasok ng mga pulis sa isang bukas na bintana ng clinic.
Ligtas naman ang biktima na nagtamo ng minor injury habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.
Pinuri naman ni PCol. Jeff Fanged, provincial director ng Pangasinan Police Provincial Office ang mabilis na aksiyon at katapangan ng Mangatarem Police sa nangyaring hostage-taking sa bayan ng Mangatarem.
