Lindol na may lakas na 4.9, yumanig sa Davao Occidental

Lindol na may lakas na 4.9, yumanig sa Davao Occidental

NIYANIG ng magnitude 4.9 na lindol ang Davao Occidental ngayong Biyernes, Hunyo 13, 2025.

Naganap ang lindol alas 2:54 ng madaling araw at sentro nito ang Sarangani ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks mula rito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble