IPINALIWANAG ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) na ang pagtama ng lindol sa isang lugar ay walang babala sa mga residente.
Ayon kay APSEMO Head Dr. Cedric Daep, patunay dito ang nangyaring lindol sa Cordillera Administrative Region na labis na ikinagulat at hindi inasahan ng mga residente.
Sinabi ni Daep na sakaling ang lindol sa Albay ay mula sa Pacific Ocean maapektuhan nito ang coastal areas ng Tiwi, Tabaco, Malinao, Legazpi Malilipot, Bacacay, Sto. Domingo, Rapu-Rapu at Manito habang kung sa kabilang dako ang apektado ay Libon, Polangui, Oas, Ligao at Pioduran.
Mas kakaunti rin aniya ang casualty o pinsala kung araw nagaganap ang lindol kumpara sa gabi dahil sa madilim ang paligid at walang mapupuntahan ang mga ito.
Makatutulong aniya para maiwasan ang matinding pinsala kung maagap na matutukoy ang mga ligtas na lugar na maaring puntahan sakaling may malakas na lindol.