Lingguhang biyahe sa domestic at int’l ng AirAsia, itinaas na

Lingguhang biyahe sa domestic at int’l ng AirAsia, itinaas na

INIHAYAG ng AirAsia Philippines na umabot na sa 90% ang kanilang passenger load sa 4th quarter ng taon.

Inaasahan na mas dadagsa pa ang mga pasahero nito sa papalapit na holiday season.

Dahil dito itinaas na ng AirAsia ang kanilang lingguhang biyahe sa bawat ruta ng kanilang destinasyon.

Kabilang na dito ang, Manila-Cebu: na may 56x; weekly; Manila-Tacloban: 35x beses; Manila-Caticlan: 34x; Manila-Cagayan de Oro, Davao, and Iloilo: 28x; Manila-Kalibo, Tagbilaran, and Puerto Princesa: 21x; at Manila-Zamboanga: 7x.

Habang ang weekly flights ng AirAsia Cebu hub patungong Davao at Cagayan ay 4x; Caticlan: 7x; at ang Puerto Princesa: 3x.

Bukod sa domestic destination nito, ngayon pa lang ng buwan ng Nobyembre, inaasahan din ng AirAsia na kasama sa plano ng mga Pilipino ang kanilang mga international travel para sa buwan ng Disyembre.

Kaya naman ang lingguhang international flight ng AirAsia ay nadagdagan na rin.

Mula Manila papuntang Bangkok (Don Mueang) ay itinaas  na rin  ito sa 11x, at sa Seoul (Incheon) sa 10x.

Ang mga flight patungong Hong Kong ay itataas na rin, na magiging 3x weekly simula ngayong Disyembre.

Samantala nagpapatuloy ang PISO Sale ng AirAsia ng hanggang November 13 para sa mga nangungunang destinasyon nito gaya ng Cebu, Davao, Caticlan, Tagbilaran at iba pa.

Habang epektibo ang biyahe nito mula May 1, 2023 hanggang March 30, 2024.

Sa panahon ng sales event, ang  base fares patungo sa mga internasyonal na destinasyon tulad ng Kuala Lumpur, Osaka, Kota Kinabalu, Hong Kong, Seoul, Bangkok, at Bali ay bumaba rin sa halagang Php 511.

Follow SMNI NEWS in Twitter