Lingguhang campaign rally ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa Cebu, laging dinadagsa

Lingguhang campaign rally ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa Cebu, laging dinadagsa

ILANG beses na nag-organisa ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at ang ‘Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement’ ng lingguhang campaign rally, ngunit hindi nagsasawa ang mga volunteer na gawin ito kahit hindi nila kasama ang butihing Pastor.

Sa campaign rally na ginanap sa Talisay City, Cebu, nagbigay ng talumpati si Eleanor Cardona, Executive Secretary ng KOJC at isa sa mga representante ni Pastor Quiboloy.

Ayon kay Cardona, hindi humihinto ang butihing Pastor kahit ito’y kasalukuyang nasa piitan.

Marami ang nagtataka kung bakit sa tuwing may pagtitipon ang kampo ni Pastor Quiboloy ay tila laging may artista sa rami ng mga tagasuportang nakikiisa.

Ito’y marahil ang taumbayan ay may mataas na interes sa pakikinig sa mga bagong plano ng mga kumakandidato ngayong eleksiyon.

“Tulad na lang ng campaign rally dito sa Brgy. Lagtang, Talisay City, agad na pinuno ng tatlong libong tao ang covered court ng Brgy. Lagtang kahit na walang ipinangakong ayuda—‘di tulad ng ibang campaign rally na bukod sa ayuda’y may mga pamigay pa na bigas,” pahayag ni Eleanor Cardona, Executive Secretary, KOJC.

Tuwing campaign rally ni Pastor Apollo C. Quiboloy, pinapangunahan nito ang kampanya kasama ang kapwa niyang senatorial candidates sa partido na iniendorsso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte – ang PDP-Laban.

Dito nabibigyan ng pagkakataon ang mga kasama nitong senatorial candidates na ipakilala sa taumbayan ang kanilang mga plataporma, lalo na’t higit na kailangan ngayon ng sambayanan ang tunay na dapat mamuno sa bansa.

Nitong sunod-sunod na prayer rally para kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, nabigyang daan ni Pastor Quiboloy ang marami sa ating mga kababayan na nais sumuporta at makiisa sa dalangin dahil sa mga inoorganisa nitong malawakang pagtitipon.

Ayon kay veteran broadcaster na si Jay Sonza, hindi nakapagtataka kung bakit dinudumog pa rin ang campaign rally ni Pastor Quiboloy kahit alam nilang wala ang kandidato.

“Para naman sa mga nag-organisa ng Pastor Apollo C. Quiboloy for Senator Movement, hindi raw sila nagsasawa o napapagod ikampanya si Pastor Quiboloy dahil sa laki ng kanyang ambag sa lipunan at kung gaano kalawak ang naabot ng kanyang tulong para sa mga Pilipino,” ani Jay Sonza, Veteran Broadcaster.

Ngayong higit isang buwan na lang bago ang eleksyon, mas dumarami pa ang mga grupo’t mga indibidwal na naghahayag ng tiwala sa kakayahan ni Pastor Apollo C. Quiboloy bilang isang future senator ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble