‘Lingkod Bayan Caravan’ ng Makati, nagbabalik na

‘Lingkod Bayan Caravan’ ng Makati, nagbabalik na

INANUNSYO ng Makati-LGU na magbabalik na ang kanilang ‘Lingkod Bayan Caravan’.

Sa Twitter post, March 11, 2023 ay nasa Olympia Community Sports Complex, Brgy. Olympia ang caravan.

Magsisimula ito 7 am- 12 nn.

Kasama sa Caravan ang health services gaya ng blood typing, ECG, blood sugar screening, free medicine, at X-ray.

Available rin ang pagproseso ng Yellow Card, White Card, Blue Card, Solo Parent ID at iba pa.

Maging ang Pet Vaccination at Microchipping, Legal Aid, Job Fair, Pag-IBIG Fund, OFW Help Desk, Barangay Clearance, Meralco, Maynilad at Manila Water.

Para sa karagdagang kaalaman ay makipag-ugnayan sa Makati LGU.

Follow SMNI NEWS in Twitter