Lisa ng Blackpink at Stray Kids, nag-perform para sa isang French charity concert

Lisa ng Blackpink at Stray Kids, nag-perform para sa isang French charity concert

KASAMA sa mga nag-perform para sa Yellow Coins Gala charity concert sa Paris si Lisa ng Blackpink at K-pop boy group na Stray Kids.

Layunin ng naturang concert ang paglikom ng pondo para sa naospital na mga kabataan lalong-lalo na sa Paris ayon sa website ng Accor Arena, isang indoor sports arena at concert hall sa France kung saan ito ginanap.

Tinatayang nasa 9,300 proyekto para sa mga kabataan ang kaugnay sa charity event.

Kasama rin sa mga nag-perform ang ibang artists gaya ng Maroon 5, A$ap Rocky, J. Balvin, Pharrell Williams, Gims, Gautier Capucon, DJ Snake, Khatia Buniatishvili, at Nadine Sierra.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble