Lisensiya ng baril ng ex-police officer na nanutok ng baril, ni-revoke—PNP

Lisensiya ng baril ng ex-police officer na nanutok ng baril, ni-revoke—PNP

KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) ang pag-revoke ng lisensiya ng isang dating pulis na kinilalang si Willie Gonzales matapos itong masangkot sa isang road rage incident sa Welcome Rotonda, Quezon City noong Agosto 8, 2023.

Sa isang viral video post, nakita si Gonzales na nasagi ang sasakyan nito ng isang siklista dahilan ng kaniyang galit laban dito.

Makikita rin ito na binatukan ang siklista hanggang sa naglabas ito ng kaniyang baril kasabay ng pagbabanta.

Ayon kay PNP Civil Security Group Office acting Director Benjamin Silo, bahagi ito ng kanilang mahigpit na pagpapaalala sa mga gunowners na maging responsable sa paggamit ng baril at hindi dapat maging instrumento ng pananakot sa publiko.

Nauna nang sumuko si Gonzales sa Quezon City Police District at kalauna’y nairelease din matapos na iatras ng biktima ang kaso laban sa kaniya.

Napag-alaman na isang dating pulis si Gonzales at kasalukuyang miyembro ng Department of Public Order and Safety ng QC Government.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble