Lisensiya ng taxi driver na naningil ng P1,260 mula NAIA 3 hanggang 2 babawiin

Lisensiya ng taxi driver na naningil ng P1,260 mula NAIA 3 hanggang 2 babawiin

BABAWIIN ng Department of Transportation (DOTr) ang lisensiya ng isang taxi driver na naningil ng P1,260 mula NAIA Terminal 3 hanggang Terminal 2.

Maging ang franchise ng operator ng taxi ay babawiin na rin.

Sa paliwanag ni DOTr Secretary Vince Dizon, imposibleng hindi alam ng operator ang ganitong kalakaran ng kanilang drivers.

Kamakailan ay kumalat ang isang video online kung saan makikitang sinisingil ng P1,260 ang mga pasahero para sa biyahe mula NAIA Terminal 3 patungong Terminal 2.

Ayon sa Google maps, ang dalawang terminal ay may layong 8.4 kilometro lamang kung nakasakay ng kotse.

Humigit-kumulang 22 minuto lang din ang travel time nito.

Inaasahan ng mga pasahero na hindi aabot ng P500 ang kanilang babayaran ngunit kahit nagulat man sa laki ng singil ay binayaran pa rin nila ito.

Nagmamadali na anila sila dahil maiiwanan na ng eroplano.

Sa kasalukuyan ay na-impound na ng Land Transportation Office (LTO) ang taxi unit at inaasahang magpapakita ang driver at operator ngayong Lunes, Hunyo 16 para i-claim ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble