BILANG bahagi ng paghahanda sa Kapaskuhan at Bagong Taon, inilabas ng PNP Firearms and Explosive Office (FEO) ang listahan ng mga ipinagbabawal at pinapayagang paputok.
Sa panayam kay PNP FEO Explosive Management Division chief Police Lieutenant Colonel Al Abanales, sinabi nito na kabilang sa mga ipinagbabawal na ibenta at gamitin na paputok ay ang Watusi, Poppop, Five Star, Pla-Pla, Piccolo, Giant Bawang, Goodbye Bading, Atomic Bomb, Super Lolo, Large Size Judah’s Belt, Giant Whistle Bomb.
Gayundin ang Atomic Triangle, Mother Rockets, Goodbye de Lima, Goodbye Napoles, Goodbye Philippines, at Coke-In-Can.
Habang ang mga pinapayagan na ibenta at gamiting paputok ay ang Butterfly, Fountain, Jumbo Regular & Special, Roman Candle, Sparklers, Trompillo, Luces, Mabuhay, at Whistle Device.
Inaasahan na mag-iinspeksiyon ang FEO sa mga tindahan ng paputok upang matiyak na sumusunod sa regulasyon para sa kaligtasan ng publiko.