Lithuanian Prime Minister, posibleng bibisita sa Pilipinas

Lithuanian Prime Minister, posibleng bibisita sa Pilipinas

POSIBLENG bibisita sa Pilipinas ngayong taon ang Lithuanian Prime Minister.

Sinabi ito ng Lithuanian Defense Minister matapos siyang bumisita sa bansa noong nakaraang linggo.

Ito’y upang higit pang talakayin ang pangangailangan ng Lithuania sa mas maraming manggagawang Pilipino.

Partikular na kulang sila ng mga manggagawa sa sektor ng transportasyon, social care, at medical care.

Binigyang-diin ng Lithuania na gusto nila ang mga Pilipino dahil mahusay ang reputasyon ng mga ito sa Europa at iba pang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble