ARESTADO ang mag live-in partner na sina Robin Bernardo, 42, at Aubrey Fallorina, 42, kapwa residente ng Extension Project 8, Quezon City, matapos maaresto ng QCPD Project 6 Police Station (PS 15) nito lang Martes 11:30 ng hapon noong Hunyo 3, 2024 sa harap ng House No. Extension, Project 8, Bull House, Quezon City.
Ang pag-aresto sa suspek ay pinangunahan ni PLtCol. Richard Mepania.
Lumalabas sa ulat na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PS 15 sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), RO-NCR matapos mag-ulat ang isang concerned citizen ng aktibidad ng pagbebenta ng droga ng mga suspek.
Isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at bumili ng P1-K halaga ng shabu sa suspek.
Nakuha sa mga suspek ang 38 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P258,400, isang itim na pouch, at ang buy-bust money.
Sasampahan ang mga naarestong suspek ng paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.