Liwanag ng katotohanan, lumalaganap sa Cagayan de Oro

Liwanag ng katotohanan, lumalaganap sa Cagayan de Oro

CAGAYAN DE ORO CITY – Habang papalapit ang halalan, mas dumarami ang mga komunidad na nakakakita ng liwanag at katotohanan sa mga isyung bumabalot sa politika.

Isa na rito ang Barangay 23, na buong tapang na tumanggap sa panig ng katotohanan sa gitna ng umano’y political harassment na kinahaharap nina Dating Pangulong Rodrigo Duterte at Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sa isang townhall meeting na ginanap mismo sa kanilang covered court, bukas-loob na nakinig ang mga residente sa mga adbokasiya at plano ni Pastor Quiboloy—mga platapormang nakatuon sa kapayapaan, serbisyong pangkalusugan, edukasyon, kabuhayan, at paglaban sa katiwalian.

“Dito namin naramdaman na hindi lang kami basta botante—kami ay bahagi ng mas malaking layunin para sa isang makatarungan at maayos na bansa,” ani ng isang ginang mula sa komunidad.

Ayon sa mga residente, naninindigan silang ang mga isyung ibinabato kina Pastor Quiboloy at dating Pangulong Duterte ay bahagi lamang ng malawakang taktika ng paninira, ngunit hindi ito makakapigil sa kanilang suportang mula sa puso. Ang mahalaga raw ay ang nakikitang konkretong plataporma at tunay na intensyong makapaglingkod.

Follow SMNI NEWS on Twitter