Manila, Pilipinas – Handa na ang Liwasang Bonifacio sa Maynila para sa gaganaping “Ayusin Natin ang Pilipinas” Miting de Avance ngayong hapon. Ang pagtitipon ay pangungunahan ni Senatorial Candidate Pastor Apollo C. Quiboloy at ang buong DuterteTEN Senatorial Slate.
Inaasahan ang pagdalo ng libu-libong tagasuporta mula sa iba’t ibang sektor upang ipahayag ang kanilang suporta at makinig sa mga plataporma ng mga kandidato. Ang programa ay magsisimula bandang alas-tres ng hapon at magtatampok ng mga live performances, talumpati mula sa mga kandidato, at interfaith prayer sessions.
Ayon sa mga organizers, ang Miting de Avance na ito ay magsisilbing huling pagkakataon para sa mga kandidato na maiparating ang kanilang mga adbokasiya at plano para sa bansa bago ang araw ng halalan. Ang mga kalahok ay hinihikayat na dumating nang maaga at magdala ng mga bandila at placards bilang pagpapakita ng kanilang suporta.
Para sa mga hindi makakadalo nang personal, ang Miting de Avance ay ipapalabas nang live sa iba’t ibang social media platforms ng SMNI News upang mapanood ng mas marami pang mamamayan.